Pumunta ako sa Chinatown. Maraming nagbebenta ng mga lobo.
Nakita ko ang loob ng Binondo Church. Nagustuhan ko yung kisame dahil yung
disenyo ay si Hesus , Mama Mary at si Joseph. Lumabas kami at may narinig na
paputok kasi merong dragon dance. Kulay pula may kahel at dilaw. Hindi ko alam
kung mascot ba o hinahawakan ng patpat. Yung dragon ay sumasayaw at
kumakawag-kawag. Nakakatakot yung mukha ng dragon.
Nagutom ako dahil malayo ang nilakad ko at maraming tao. Kumain ako sa Polland. Ang kinain ko ay pork, sabao, kanin at ice tea. Ang panghimagas ko ay vanilla ice cream pero hindi ko kinain yung cherry na nakapatong.
Meron kaming nakitang parade naandon yung dating pangulo ng Filipinas. Ang pangalan niya ay si Erap. Natuwa ako dahil sa pagdiriwang na isinagawa ng mga Filipino-Chinese sa new year na batay sa lunar calendar.
Nagutom ako dahil sa mga ikinuwento mong mga pagkain! Parang masarap lahat! :) May lahi ka bang Chinese, Chloe?
ReplyDeletewala po t.Shai
ReplyDelete