Friday, February 26, 2016

Ang Batas Militar

Ayaw ko ang batas militar. Hindi kami puwede maglaro at gumuhit. May 15 minuto kami mag meryenda at 20 minuto para mag tanghalian. Pag hindi namin sinunod ang batas kukulong kami. Kailangan namin sundin ang mga batas.  May tatlong batas idadagdag bawat araw. Mga ibang tao umiyak dahil nakulong sila. Dapat manatiling sa kulungan ng isang oras. Bawal magusap sa kulungan o dadagdagan ng 1 oras sa kulungan.

Friday, February 19, 2016

Sa Eastwood Mall

.Pumunta ako sa Eastwood. Uminum ako ng mango shake. Tapos bumili kami sa grocery dahil konti nalang pagkain namin. Bumili na din ng bagong balpen ko. Tapos umuwi na ako sa bahay ko. Lumaro kami ng mga kaibigan ko pagdating sa bahay.  Pagdating ko sa Eastwood nagutom talaga ako dahl konti lang kinain ko sa bahay. Natuwa naman ako kasi kasama ko nanay ko.  Lumalagaw kami muna bago umuwi. Yung nasaloob kami ng taxi nakatulog ako dahil pagod na ako.  Pagkatapos mag laro sa kaibigan ko umuwi na ako at  natulog.

Tuesday, February 16, 2016

Ang Pasig Museum




Pumunta kami sa Pasig Museum. Nakita naming ang kasysayan ng pasig dati. May nakita kaming bunganga ng Megalodon na pating. May ibat ibang mga insekto na nakita namin. Dinaanan naming ang Bahay na Tisa. Kumain kami sa loob ng museum. Maganda sa pasig. Pumunta kayo doon. Meron pa silang ilog pasig.

Monday, February 8, 2016

Chinese New Year sa Chinatown


Pumunta ako sa Chinatown. Maraming nagbebenta ng mga lobo. Nakita ko ang loob ng Binondo Church. Nagustuhan ko yung kisame dahil yung disenyo ay si Hesus , Mama Mary at si Joseph. Lumabas kami at may narinig na paputok kasi merong dragon dance. Kulay pula may kahel at dilaw. Hindi ko alam kung mascot ba o hinahawakan ng patpat. Yung dragon ay sumasayaw at kumakawag-kawag. Nakakatakot yung mukha ng dragon.   


Nagutom ako dahil malayo ang nilakad ko at maraming tao. Kumain ako sa Polland. Ang kinain ko ay pork, sabao, kanin at ice tea. Ang panghimagas ko ay vanilla ice cream pero hindi ko kinain yung cherry na nakapatong.

Meron kaming nakitang parade naandon yung dating pangulo ng Filipinas. Ang pangalan niya ay si Erap. Natuwa ako  dahil sa pagdiriwang na isinagawa  ng mga Filipino-Chinese sa new year  na batay  sa lunar calendar.