Saturday, April 2, 2016

Mag Blog Tayong Lahat


Ang paborito kong musica







Gusto ko ang radio active. Nasa band sila. Si teacher Adrian ay nag post ng raya olympics 2015 at ito ay ang musica. Kasi bagay sa mga galaw ng tao at musica. Palagi ko ito hinahanap kasi maganda ang tunog. Puwede niyo mahanap sa youtube. Yung nagkanta ay imagine dragons.

Friday, March 25, 2016

Ang Paboritong kong Laruan

Ang paborito kong laruan ay zomlings. Parang maliliit sila na zombie. Marami kang ikokoleksyon. Makabili ka nito sa mga toy store. Hindi mo alam kung ano makukuha mo. Alam mo lang pag bumili ka ng isang pack. Pitong zomlings makukuha mo sa isang pack. Puwede ka kumuha ng blindbag na hotel. Dalawang zomlings makukuha mo at glow in the dark sila. Marami na akong nakuha. Puwede karing bumili pero mag tanong sa mga magulang mo.


Mga Kaklase Ko


 [retrato mula kay nanay]
Mga kaklase ko ay mabait. Masaya ako kasama sila. Sana kaklase kami palage. Miss ko na sila. Talagang masaya ako pag naglalaro kami. Lahat ko sila ay bate. Masaya naman sila. Pero alam ko na miss na din nila ang mga kaklase nila. Siyempre miss ko na din ang mga guro at ang Raya School. Lilipat na ako ng ibang paaralan. Bye Bye Raya School hindi ko ikaw kalilimutan.

Wednesday, March 23, 2016

Dental Checkup ni Aning

 [retrato mula sa google]
Pumunta kami sa dental checkup ng aning ko. Dinala ko ang gadjet ko. Kasama ko ang mga kapatid ko. Habang nagpapaayos ng ngipin naglalaro kami sa gadjet namin. Matagal yung dental checkup niya. Kumain kami ng toasted siopao. Kumain ako ng maraming cookies. Tinitingnan namin ang doctora na iniayos an ngipin. Meron silang tv sa loob. Nanonood kami ng balita. Pagkatapos taposnna ang dental checkup ni aning. Umuwi na kami pagkatapos.

Friday, March 18, 2016

Year End - Party !

Nag year end party kami. Naglaro kami ng mga laro. Nanalo ako sa isang laro. Nanalo din ako sa laro na dapat ipasa ang waterballoon sa  pares mo at hindi dapat puputok. Nanalo ako ng mga stickers at panale. Bago kami nag laro kumain muna kami ng pizza. Nabusog ako pagkatapos kong kumain. Nag basabasaan kami gamit ng spray bottle. Basa na basa ako noon. Natuwa natuwa ako sa pag laro. Nag papicture si T. Gen. Para maging masaya kami lahat. Sana makikita ko ulit ang mga kaklase ko.Kumain kami ng mga popsicles. Tapos umuwi na kaming lahat.

Ang year end - concert ko

Nag year -end concert kami. Nakita ko na sumasayaw ang ibang mga grade. Sumama ang nanay ko at nanood siya. Ang galing magsayaw ng iba. Kumain ako ng donut at dalawang pizza. Talagang nagutom ako dahil sa kakanood. Sana sumali ako sa dance contest. Nanalo ang luckyasias na grupo. Nanalo sila ng certificate at 15000 pesos. Mamimiss ko ang Raya kasi lilipat na ako ng ibang paaralan. Nagpapapicture ang mga guro sa lahat ng mga grade. Yun na ang huling pasok pagkatapos grade 3 na ako at mga kaklase.

Saturday, March 12, 2016

Sa StarGazing

Pumunta ako sa stargazing.

May nakita kaming mga bituin. Pinakita kami sa telescope na mas malaki na Jupiter. Binigyan kami ng mapa sa mga constellations. Nakaupo lang kami sa mga banig. Nag dala kami ng flashlight kasi magiging madilim. Nakita namin ang bituin. Naglaro ako kasama ng mga kaklase ko ng habulan. Pagkatapos umalis na kami. Kumain kami sa ibat ibang mga reasturant.







Marami naman na kain ko. Nabusog talaga ako sa lahat na nakain ko. Pagkatapos ko kumain naglaro nalang ako sa cellphone.Naging masaya na masaya ako.

Thursday, March 10, 2016

Ang Kalayaan ko





 [retrato mula sa google]
Meron akong kalayaan pero
may responsibilidad. Pag maliligo ako sa ulan dapat maligo din ako sa loob ng bahay din. Pag puwede ako magsalita hindi dapat masama. Hindi ako dapat magaway sa ibang mga tao. Kailangan ko sundin ang mga magulang at guro ko. Dapat gawin ko kung ano ang tama para sa akin. Isipin ko muna bago ko gawin o sabihin. Wag magsakitan sa mga tao lalo na sa maliit kung masmalaki. Alagaan ang sarili natin. Dapat masaya ka kung ano ang meron ikaw wag mag kuha sa iba na hindi sayo.

Saturday, March 5, 2016

Ang Manila

Ang Maynila ay malaking lugar na isang lungsod. Ito ay kabisera ng Filipinas. Nag lakbay- aral kami sa Manila. Nakita namin ang mag statua ni Jose Rizal sa Rizal Park, Manami ring kalesa don. May lugar don na tawag Manila Bay kung saan maganda ang tanawin.  May nakita kaming maraming watawat at meron ng pinakamalaking watawat. Pumunta kami sa FortSantiago kung saan na kulong si Jose Rizal mcdilim yang kulungan niya. May simbahan ang Manila na isäng pinakalumang simbanan sa Manila. Makita namin ang statua ni Lapu-Lapu. Si Lapu-Lapu ay ang unna mayani ng mag Filipino.

Friday, February 26, 2016

Ang Batas Militar

Ayaw ko ang batas militar. Hindi kami puwede maglaro at gumuhit. May 15 minuto kami mag meryenda at 20 minuto para mag tanghalian. Pag hindi namin sinunod ang batas kukulong kami. Kailangan namin sundin ang mga batas.  May tatlong batas idadagdag bawat araw. Mga ibang tao umiyak dahil nakulong sila. Dapat manatiling sa kulungan ng isang oras. Bawal magusap sa kulungan o dadagdagan ng 1 oras sa kulungan.

Friday, February 19, 2016

Sa Eastwood Mall

.Pumunta ako sa Eastwood. Uminum ako ng mango shake. Tapos bumili kami sa grocery dahil konti nalang pagkain namin. Bumili na din ng bagong balpen ko. Tapos umuwi na ako sa bahay ko. Lumaro kami ng mga kaibigan ko pagdating sa bahay.  Pagdating ko sa Eastwood nagutom talaga ako dahl konti lang kinain ko sa bahay. Natuwa naman ako kasi kasama ko nanay ko.  Lumalagaw kami muna bago umuwi. Yung nasaloob kami ng taxi nakatulog ako dahil pagod na ako.  Pagkatapos mag laro sa kaibigan ko umuwi na ako at  natulog.

Tuesday, February 16, 2016

Ang Pasig Museum




Pumunta kami sa Pasig Museum. Nakita naming ang kasysayan ng pasig dati. May nakita kaming bunganga ng Megalodon na pating. May ibat ibang mga insekto na nakita namin. Dinaanan naming ang Bahay na Tisa. Kumain kami sa loob ng museum. Maganda sa pasig. Pumunta kayo doon. Meron pa silang ilog pasig.

Monday, February 8, 2016

Chinese New Year sa Chinatown


Pumunta ako sa Chinatown. Maraming nagbebenta ng mga lobo. Nakita ko ang loob ng Binondo Church. Nagustuhan ko yung kisame dahil yung disenyo ay si Hesus , Mama Mary at si Joseph. Lumabas kami at may narinig na paputok kasi merong dragon dance. Kulay pula may kahel at dilaw. Hindi ko alam kung mascot ba o hinahawakan ng patpat. Yung dragon ay sumasayaw at kumakawag-kawag. Nakakatakot yung mukha ng dragon.   


Nagutom ako dahil malayo ang nilakad ko at maraming tao. Kumain ako sa Polland. Ang kinain ko ay pork, sabao, kanin at ice tea. Ang panghimagas ko ay vanilla ice cream pero hindi ko kinain yung cherry na nakapatong.

Meron kaming nakitang parade naandon yung dating pangulo ng Filipinas. Ang pangalan niya ay si Erap. Natuwa ako  dahil sa pagdiriwang na isinagawa  ng mga Filipino-Chinese sa new year  na batay  sa lunar calendar.                                                                                     

Saturday, January 30, 2016

Ang mga nangyayari kapag may Global Warming

Ang global warming ay pag umiinit ang mundo, kasi ang mga greenhouse gases ay hinuhuli ang init at hindi pinapalabas ng atmosphere. Yung ibang malalamig na lugar ay umiinit dahil sa init. Pag hindi makapal ang greenhouse gases makakalabas ang init na binigay ng araw. Puwede ka mag tanim ng maraming halaman para maiwasan ang global warming. Puwede din gumamit ng altirnatibong energy source ang mga pabrica para hindi madumi ang usok na lumalabas. Ang mga puwedeng alternatibong energy source ay tubig, hangin, at araw.

Sunday, January 24, 2016

Ang Biyahe Ko Sa Kidzania


Sumakay kami ng bus papunta ng Kidzania. Nagiingay kami habang nanonood ng tv. Kumain kami ng mga baon namin. Pagdating namin sa Kidzania kumuha kami ng paycheck para makakuha ng mga kidzoes.
Ang una kong pinuntahan ay ang ice cream factory. Gumawa ako ng Magnolia na ice cream na tsokolate. Tapos kumain kami sa Mcdonalds kumain ako ng chicken, rice, apple pie at MinuteMaid. Pagkatapos pumunta ako sa eroplano at pinalipad ko ito. Pumunta din ako sa mga fashion models at dinamitan ko sila. Naglinis ako ng kuwarto at banyo sa Holiday Inn.


Pumunta ako sa fire station at pinatay ang sunog. Pagkatapos umuwi na kami pabalik sa Raya School.