Saturday, January 30, 2016

Ang mga nangyayari kapag may Global Warming

Ang global warming ay pag umiinit ang mundo, kasi ang mga greenhouse gases ay hinuhuli ang init at hindi pinapalabas ng atmosphere. Yung ibang malalamig na lugar ay umiinit dahil sa init. Pag hindi makapal ang greenhouse gases makakalabas ang init na binigay ng araw. Puwede ka mag tanim ng maraming halaman para maiwasan ang global warming. Puwede din gumamit ng altirnatibong energy source ang mga pabrica para hindi madumi ang usok na lumalabas. Ang mga puwedeng alternatibong energy source ay tubig, hangin, at araw.

Sunday, January 24, 2016

Ang Biyahe Ko Sa Kidzania


Sumakay kami ng bus papunta ng Kidzania. Nagiingay kami habang nanonood ng tv. Kumain kami ng mga baon namin. Pagdating namin sa Kidzania kumuha kami ng paycheck para makakuha ng mga kidzoes.
Ang una kong pinuntahan ay ang ice cream factory. Gumawa ako ng Magnolia na ice cream na tsokolate. Tapos kumain kami sa Mcdonalds kumain ako ng chicken, rice, apple pie at MinuteMaid. Pagkatapos pumunta ako sa eroplano at pinalipad ko ito. Pumunta din ako sa mga fashion models at dinamitan ko sila. Naglinis ako ng kuwarto at banyo sa Holiday Inn.


Pumunta ako sa fire station at pinatay ang sunog. Pagkatapos umuwi na kami pabalik sa Raya School.